Friday, August 15, 2008

about my bro!

Hey people! Now, I wanna talk about my brother. He’s my greatest influence. Because without him, maybe I never liked or appreciated rock music that I’m into right now. He used to have a lot of bands like Jovials, Novella and the last band that he had was Sad Days. They always join some out of town Battle of the Bands. And fortunately, they always have something. They already recorded some of their songs before my bro left abroad. Most of their songs are slow or very emotional. Like the “emo” genre. But they never called themselves emo. Here are some of their “original” songs. Its all Tagalog but they have some English songs though. My favorite is Lamay. It’s a very catchy song. Even the first time I heard it, I already liked it.

Lamay

Ikaw na naman
Ang sumasagi sa isipan ko
Lagi kang hinahanap di ko alam
Ano bang pakiramdam ito

Sa bawat oras ay hinihintay
Ang pagdating mo
Nagbabaka sakaling
Makikilala mo rin ako

[Chorus:]
Hinihintay kita ngunit di ko alam at kung paano
At sana’y makita ka na ng lahat
Nang ito’y magkatotoo

Hindi ko alam kung ba’t ikaw ang nasa panaginip ko
Lagi kang hinahanap di ko alam
Kung saan ako tatagpo
[chorus]

Sa aking paghihintay
Ikaw pala ay nasa lamay
Wala man akong alam
Na tatlong araw ka na palang bangkay

Panyo

Lumuluha ka at hindi ko alam
Wala ka bang kapaguran
Nagsisisi umaasa
Na ikaw ay babalikan

Sabihin mo lang
Na ikaw ay nasasaktan

Gawin mo akong punasan
Ng mga luha mong talunan
Gawin mo akong sandalan
Sa tuwing ikaw ay iniiwan

Nag-iisip sa kung saan
Kung paano ka tinalikuran
Pipilitin at pupunasan
Mga luha mong pinaglipasan

Sabihin mo lang kung ikaw ay nasasaktan

Lumapit ka at yayakapin kita
Sa akin ay humimlay
Pangako sayo’y
Hindi na mawawalay

Sadista

Huli na kita nagtatago ka pa
Sa sinungaling mong mata
Tumakas ka man at kung saan ka magpunta
Mapapansin pa rin kita

Ako’y nahihilo at suko na sa’yo
Ako’y kaawaan mo
Ako’y nahihilo at suko na sa sa’yo
Ako’y palayain mo

Bakit ang ilap at hindi ka man lumalapit
Ako ba ay malupit
Lumayo ka man at kung saan ka lumisan

Igapos mo ako sugatan mo ako
Hatawin mo ako kasama ng pagluha mo

Inip

Nasan ka na ako’y nawawala
Hindi ko alam kung saan ka ba nagpunta
Kaliwa’t kanan akong nakatanga
At di ko alam kung saan ka magmumula

[chorus]
Kinakabag na sa paghinga
Nangangalay na pati mga paa
O bakit ang tagal naman
Ako ba ay uuwi na?

Nasaan ka na ako’y nababalisa
At hindi ko alam kung saan ka ba nagpunta
Taas at baba ako’y nangawit na
At nasaan ka na
May katagpo ka pa lang iba

Kailan ka ba magsasawa
Kailan ako madadala
Puti na ang mata
At nasaan ka na
Ako’y inip na mula pa nang umaga
Ngayon ay hapon na
May katagpo ka pa lang iba

Antok

Paggising ko ay wala na
Saan ka ba nagpunta
Ako ba’y hahayaan na

At nasaan ka nab a
Bumalik ka sa aking kama
Nang antok ko’y makumpleto na

Hindi man nagpaalam
Para ding gabi
Na pinalitan ng umaga

Lasing pa ako oh umaga
Pahingi pa at kahit isa pang gabi
Dahil ako’y inaantok pa

Ako pa sayo’y maghihintay
Ako ba sayo’y mawawalay
Ako’y isang tanga at walang saysay

Pipilitin ba na sumabay
Pipilitin ban a mag-alay
Ako’y magtatyaga na walng humpay

Pagbigyan mo ako dahil mata ko’y pikit pa
Oh umaga
Pagbigyan mo ako dahil ako’y inaantok pa
Sa’yo umaga

Pagpikit

Sa pagmulat ng iyong mata
Wala na akong Makita
Kahit isang saglit
Sa pagmulat ng iyong mata
Pipilitin ko upang makaalala

Subukan mo lang ipikit ang iyong mata
Kasama mo ako sa panaginip
Oh aking mata

Heto ako sa tabi mo
At naluha inaabangan
Ang muli mong pagpikit

Pumikit lumuha at nandito lang ako
Pumikit lumuha at kasama mo lang ako

Sa muli mong pagpikit
Humingi ka ng malalim
At tahimik kung ibubulong sa’yo
Na paalam

No comments: